BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, June 9, 2009

Solid Food Intake



Ang sarap-sarap pala ng solid food. Kaya naman ang kulit-kulit ko pag sinusubuan ako ng mom ko. Minsan nga kahit na hindi pwede sa akin, inaagawan ko sila ng food. Feeling ko kasi masarap ang kinakain nila lalo na iyong sinigang na luto ni boss, o kaya naman barbeque, pansit, cake, palabok, nilaga, at marami pang iba. Pero siyempre hindi rin papatalo ang grand mom at dad ko. Ang dad ko kasi nagluluto rin ng dinuguan, binagoongan, adobo, at marami pang iba. Ang grand mom ko naman, ang sarap magluto ng tausing pork at ginataang manok. Pagkatapos si mom ko naman puro dessert ang niluluto gaya ng maja blanca at leche flan. Ang saraaap talaga! Nagugutom tuloy ulit ako kahit kakadede ko lang. Kaya lang hanggang tingin na lang ako palagi kasi bawal pa sa akin kumain ng ganoon. Pero alam ko marasap ang mga iyon. Kailan lang ako unang nakatikim ng food kasi dati-rati puro gatas lang ako. Siguro isang buwan na rin akong nakakatikim ng solid foods. Sabi kasi ng doctor ko, mas recommended niya na six months ako unang pakakainin, kaya naman iyon ang sinunod ng mom ko. Pinaka-favorite ko sa lahat ay macaroni and cheese gerber at mashed potato. Pero marami na akong natikman. Pinakaayaw ko ang green peas. Kapag kinakain ko iyon napapangiwi ako sa sama ng lasa. Kapag naman gerber apple ang kinakain ko, sobrang asim talaga kaya sumisingkit ang mga mata ko sa paglunok. Dahil nakatikim na ako ng first foods, akala ko lahat ng makikita ko pagkain kaya naman lahat ng mahawakan ko kinakain ko na. Gusto ko pong i-endorse sa inyo na kumain ng gerber.

1 comments:

Edith said...

Hi Megyn! alam mo, mahal na mahal ka ni grandma.Ikaw ang best gift ni lord nung Bday ko. sayang nga lang at hindi ka na nahintay ng grandpa mo. Alam mo ba na ikaw ang lagi naming pinagkukwenutan at pinapangarap na makasama pagdating ng araw? nangangarap n namamasyal habang kasama kayo ni uncle neil. sayang,palagi niyang sinasabi na sobrang excited cia sa 1st apo namin. mabait si gradpa mo at mahal na mahal niya tayong lahat.Lagi kang nasa isip at puso namin. Ako ang pinakaproud na lola sa buong mundo at ipinagmamalaki ko na may apo akong MAGANDA,MATALINO, at PINAKACUTE na BABY sa buong mundo. ILOVEYOU APO.